logo logo

Best Life Herbal Syrup, hindi rehistrado sa FDA

Image source: FDA

Image source: FDA

Hindi rehistrado sa Food and Drugs Administration (FDA) ang Best Life Herbal Syrup.  Bukod dito, nakalilito at mapanlinlang umano ang mga kataga sa kanilang brochure, ayon sa FDA. Babala ngayon sa publiko na huwag nang bumili ng naturang produkto.

Paalala ni FDA officer in charge Maria Lourdes Santiago, ang mga gamot na hindi sumailalim sa kanilang pagsusuri ay maaaring delikado sa kalusugan ng tao.

Nanawagan ngayon ang FDA sa otoridad na tiyaking walang Best Life Herbal Syrup na ibinebenta sa merkado.

Para magreklamo tungkol sa mga ganitong false claims, pwedeng bisitahin ang report@fda.gov.ph.

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom