logo logo

Bilang ng mga taong obese sa Amerika, Umarangkada

Umarangkada na naman ang bilang ng mga Amerikano na sobra ang timbang sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno na i-promote ang healthy lifestyle. Simula 1980 tumataas na ang tala ng obesity ng hanggang 38%.Iniulat rin ito ng Centers for Disease Control and Prevention. Ayon kay Stacey Snelling mula sa American University ang nakikita niyang sanhi ng pagtaas ng obesity ay dahil wala nang naniniwala sa kampanya upang isulong ang healthy eating o pagkain ng masustansyang pagkain. Ayon pa kay Snelling maliban sa pagkain ng tama, mahalaga rin na mag-ehersisyo upang maging balanse ang timbang ng katawan. Sinabi ng mananaliksik na si Cythiaa Ogden tumaas ang bilang ng mga babaeng obese at nararapat lamang na mabigyan ng atensyon ng pamahalaan ng mga indibidwal.

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom