logo logo

DOT: Pilipinas ang host ng Miss Universe pageant 2017

Image Source: Potiner.com

Image Source: Potiner.com

Pilipinas ang magiging host sa Miss Universe pageant sa susunod na taon.

Kinumpirma ito ni Department of Tourism (DOT) Secretary Wanda Teo, “I would like to inform everybody that the Miss Universe Pageant will be on January 30, 2017 in the Philippines”. Tinatayang aabot sa $11-million ang gagastusin para rito. Gayunpaman, wala umanong ipapalabas na pondo mula sa gobyerno dahil mga private sector ang magiging sponsors.

Si Pia Wurtzbach ang titleholder sa kasalukuyan. Ang prestihiyosong pageant ay ginanap sa Pilipinas noon pang 1974 at 1994.

Matatandaan na una nang nagkasundo si Wurtzbach at President Rodrigo Duterte na dito sa Pilipinas isagawa ang pageant, matapos ang courtesy call noong July 18 sa Malakanyang.

Ang interior designer na si Maxene Medina ang kasalukuyang pambato ng bansa sa naturang kompetisyon. (MN)

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom