logo logo

Family Planning Marami na ang Nagkakainteres

slide_48Dumarami na ngayon sa mga kababaihan particular na sa Amerika ang gumagamit ng natural na pamamaraan upang makaiwas sa pagbubuntis. Tinatawag ang pamamaraan na ito na Fertility Awareness Method (FAM). Ayon sa Centers for Disease Control and Prevention sa Amerika 3% ng mga kababaihan ang gumagamit ng FAM bilang paraan upang hindi mabuntis.

 Batay rin sa pag-aaral ng Harvard University na kung mas mapapalawak pa ang kaalaman ng mga babae maaaring isa sa bawat limang babae ang gagamit ng FAM bilang birth control method. Ang pills ang pinakapapangkaraniwang ginagamit ng mga babae bilang pharmacological birth control. Base sa pag-aaral, apat sa limang babae ang gumagamit ng pills ngunit marami na rin ang humihinto sa paggamit ng pills dahil sa side-effects nito.

 Ang fertility awareness method ay isang rhythm  method na binabase sa fertile days ng isang babae at kailangan rin ng pag-iingat sa paggamit ng FAM. Ayon kay Ilene Richman ng Fertility Awareness Center, sa ganitong paraan mas malalaman ng isang babae ang nangyayari sa kanyang katawan. Meron ding calculation ng ovulation ang FAM at kinokonsidera ang temperatura ng katawan.

 Noong 2007 sa isang German study, pinag-aralan ang may 900 na kababaihan na gumagamit ng FAM sa loob ng 20 taon. 2% sa ng mga babeng ito ay nabuntis nang hindi pinaplano, kaya  ayon kay Dr. Nathaniel Denicola, isang OBGYN ng Univeristy of Pennsylvania Health System na kailangan ng sapat na kaalaman upang maging matagumpay ang FAM at maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis na maaaring humantong naman sa aborsyon.

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom