logo logo

HighTech

Latest Windows 10 ipinalabas na ng Microsoft

w15

Ipinalabas na ng Microsoft ang latest  na Windows 10 na may bagong features na gagamitin na sa mga  computer at cellphone ngayong taon. Sa Redmond, Washington headquarters ng Microsoft detalyadong operating system na gagamitin sa desktops, laptops, tablets at maging sa smartphones at meron ding holograms ang  Windows 10. Maraming customers ang dismayado sa Windows 8 at marami naman ang mas pumili sa Windows 7. Sa ngayon, ang Windows 10 ng Microsoft ang pinakabagong operating system upgrade mula nang lumabas ang Windows 8 noong 2012. 91% ng computers sa buong mundo ay  ino-operate ng Microsoft.


Cellphone na hindi na kailangan i-charge, pwede na

Ayon sa mga researcher ng Ohio State University kanila nang naimbento ang cellphone na hindi na kailangang i-charge dahil ito ay ginagamitan lamang ng solar battery. Bukod sa mas abot-kaya at episyente ay environment friendly pa ang solar cellphone . Ito ay ginawa ng isang chemistry professor na si Yiying Wu at ng kanyang mga estudyante. 100% efficient pa ang solar battery cellphone. Ang disenyo ay nanalo $100,000 na iginawad ng US Department of Energy for clean energy. Ang battery ng solar cellphone ay gawa mula sa titanium na gumagana bilang electrode.


Pinoy Supercar tinawag na “Aurelio’’

885655_1652735454945958_5658143444640069329_oKilala ang European auto producers na kagaya ng Porsche, Mercedes-Benz at Aston Martin ngunit hindi rin magpapahuli ang Pilipinas dahil meron ng racecar na gawang Pinoy na naitampok na rin sa iba’t ibang car shows. Gawa ito ng Laguna-based car fabricator na kilala bilang “Aurelio Automobile” kaya naman tinawag itong Aurelio ang kauna-unahang Philippine-made sportscar sa kasaysayan ng bansa. Ang top speed ng Aurelio race car ay 290 kilometro bawat oras.


Brain to brain email, posible na

4613383742

Marami ng mga imbensyon ang nagpamangha sa publiko at isa na nga dito ang email na maipapadala na sa pamamagitan ng isipan. Pwede ito sa malapitan o maging sa ibang bansa.  ito ay konsepto ni Giulio Ruffine ang CEO ng Starlab sa Barcelona.  Ginagamitan ito ng brain computer na nagrerekord ng brainwaves sa ulo, gagamitan ito ng isip at kokonekta ito sa isang robot na nakadesenyo upang maghatid ng electrical pulses sa utak. kailangan ng malalim na kosentrasyon upang maging matagumpay ang proseso. Ito pa lamang ang pinakaunang eksperimento na may kinalaman sa pagpapadala ng mensahe sa pamamagitan ng utak patungo naman sa isa pang utak. Ayon sa  lead researcher na si Ruffini hindi lamang mensahe ang nais niyang maipadala ngunit pangarap din niyang magkaroon ng teknolohiya na maaari ng magpadala ng mensahe, pakiramdam, sensasyon at iba pa sa pamamagitan lamang ng brain signals.

bottom