logo logo

Katapusan ng mundo nalalapit na –Atomic scientist

Ayon sa Bulletin of the Atomic Scientists na ang mundo ay malapi ng matapos dahil sa global warming at nuclear weaponry. Sinabi ni Richard Somerville ng Bulletin na isa sa mga dahilan ng pagtatapos ng mundo ay ang malaking pagbabago sa klima na nagmula sa mga pangunahing batayan ng physics, biology at chemistry at wala nang negosasyon ang makakahadlang pa kapag ang kalikasan na mismo ang magdedesisyon.

Ang mga bansang kagaya ng Estados Unidos at Russia ay gumagastos na ng malaki para sa pagpapalawak ng kanilang nuclear weapon at habang lumalaki ang nuclear weaponry mas lumalaki rin ang posibilidad na magkaroon ng atomic bomb explosion, maaaring aksidente o sinasadya. Simula taong 1947 nagpapaalala na ang Bulletin of Atomic Scientists na magkakaroon ng katapusan ang buong mundo.

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom