logo logo

Kidney Problem at Diabetes Kayang Solusyunan ng Saging!

diabetes_type2

Nauuwi sa kidney failure at sakit sa puso ang type 2 diabetes kaya naman sa pag-aaral ng Shiga University of Medical Science sa Japan, napag-alaman na napakahalaga ng potassium upang maging normal ang kidneys. Sa kanilang research na nilahukan ng may 623 diabetic patients, nakita na ang may mataas na lebel ng potassium sa katawan ay mas healthy ang kidney at puso. Ang kidney disease ang nangunang sanhi ng pagkamatay ng mga taong may diabetes. Noong 2014, umabot ng 422 million ang may diabetes batay na rin sa tala ng World Health Organization. Samantala, ipinahayag ng Royal College of Obstetrician sa UK na ang pag-inom ng ginger o luya ay makakatulong sa mga babaeng dumaranas ng morning sickness. 80% ng mga buntis ay nakakaranas ng pagsusuka lalo na sa unang trimester ng pagbubuntis.

Mas rekomendado ito kumpara sa pag-inum ng anti-sickness drugs. Ayon pa kay Kidney-disease-is-a-silent-killerDr. Manjeet Shehmar ng Royal College kailangan na malaman ng mga babae na may alternatibong paraan upang sila ay matulungan sa kanilang pagbubuntis. Magandang balita naman para sa mga health advocates dahil naging matagumpay na layuning pagpapataas ng buwis sa soft drinks sa Philadelphia USA kahit pa matindi ang pagtutol ng mga soft drink company sa panukalang ito. Naniniwala ang mga health advocates na nakakasira sa katawan ang carbonated drinks at dahil dito mapupunta sa nursery schools at recreation centers ang makokolektang buwis mula sa soft drink companies. Nanawagan rin ang Philadelphia na sanay tularan sila ng iba ang estado at bansa sa buong mundo upang hindi na lumala pa ang diabetes at kidney diseases na epekto ng pag-inom ng soft drinks.

bottom

2 Responses to “Kidney Problem at Diabetes Kayang Solusyunan ng Saging!”

  1. Aljun says:

    Nakakatolong ba ang saging para mawala ang bato sa kidnet? Ano dapat kong gawin kasi po. Paminsanminsan komekerot ang tageliran ko parang tenotosok ng karayom.

  2. Justo says:

    I suffer from severe chronic kidney infection. I took distillef water then banana. Also high potassium uralyt.

    Please give advice what to do. Am i in right track.

    Tnx.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom