logo logo

Latest News

Itinanggi ng Vatican ang istoryang kumakalat mula sa Italian News Agency na na-diagnose si Pope Francis na may Brain Tumor.

Nai-publish pa ito sa website ng QUOTIDIANO NAZIONALE. Sinasabing may maliit na tumor na nadiskubre ilang buwan na ang nakararaan.

Ayon kay Rev Federico Lombardi, nagpapatuloy ang Santo Papa sa pag-ehersisyo sa noramal na pamamaraan.

Subalit ayon naman sa editor ng naturang balita na si Andrea Cangini, inaasahan na niya ang pagtanggi ng Vatican. Pinanindigan niya na totoong may tumor sa utak si Pope Francis. Ilang buwan na ang nakalilipas, nakita umano ang Papal Helicopter na nag-landing sa Pisa at binista ang isang Japanese doctor na si Takanori Fukushima, na isang espesyalista sa Brain Tumor at Aneurysms. Ngunit hindi naman umano ito nangangailangan ng surgery.

Ngunit pinabulaanan ni Reverend Lombardi ang mga istorya at sinabing siguro ang nakita nila ay isa lamang Multo.

bottom