logo logo

Pagkamatay ng mga buntis bumaba ng 50% -UN Report

Bumaba ng hanggang 50% ang bilang nga namamatay dahil sa pagbubuntis at panganganak sa nakalipas na dalawampu’t limang taon ayon sa ulat ng United Nations. Noong 1990 532,000 ang namatay na kababaihan dahil sa panganganak ngunit ngayong 2015, 303,000 na lamang ang nasawi sa tinatawag na pregnancy-related deaths. Sinabi ng mga opisyal ng World Health Organization na malaki at positibo ang resultang ito. Siyam lamang sa mga bansa sa buong mundo ang nakaabot sa target na itinakda ng UN. Ganun pa man, ayon kay Dr. Lale Say, 99% ng mga namamatay dahil sa panganganak ay mula sa mga malalagong bansa. Tatlumpo’t siyam na mga bansa ay may positibong aksyon sa maternal deaths. Mas palalawakin pa rin ng UN ang kanilang programa na maibsan ang bilang ng mga babaeng namamatay dahil sa pagbubuntis at panganganak.

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom