logo logo

Papalitan na ng robots ang mga tao sa 2045

Sa susunod na tatlumpong taon marami na ang magbabago kabilang na ang pagbabago ng buhay ng sangkatauhan lalo na pagdating sa teknolohiya. Ayon sa Kaspersky Lab, malaki ang posibilidad na sa pagdami ng tao ay dadami rin ang robots at ang mga robot na ang gagawa ng mga gawain ng mga tao. Kaya naman nauuso na ang smarthomes  o mga bagay na mas nagpapadali sa mga gawaing bahay hindi na rin daw kataka-taka kung paaandarin na ng software ang lahat ng gawain at pangangailangan ng tao kagaya ng kuryente, tubig, suplay ng pagkain at iba pa.

 Bagama’t hindi pa handa ang lahat ng tao para sa smart homes at automated lifestyle at robot hindi magtatagal ay mangyayari rin ito. Ayon kay Alexander Gostev ng Kaspersky Lab, ang information technology ay isang malaking bagay para sa mga tao at marami ang magsasamantala sa teknolohiya kagaya ng cybercriminals ngunit hindi naman talagang masama ang modernong teknolohiya, nakasalalay pa rin sa tao kung saan niya ito gagamitin, sa kabutihan o sa kasamaan.

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom