logo logo

PNP CHIEF, NANGGIGIL KAY TANTO

Nanggigil si Philippine National Police (PNP) chief Ronald Bato dela Rosa matapos iharap sa kanya ang road rage suspect na si Von Tanto.

Sa Headquarters ng Manila Police District, sinabi ni Bato na tuturuan niya ng boxing si Tanto. Pabirong sinabi ni Bato na natalo sa suntukan ang suspek kaya napikon at namaril sa biktimang si Mark Vincent Garalde. Wala naman reaksyon dito si Tanto at tumango na lamang.

Pormal na itong sinampahan ng kasong Murder matapos isagawa ang medical check-up.

Naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Police Regional Office 5 at Criminal Investigation and Detection Group.

Source: Inquirer

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom