logo logo

Science & Tech

Dwarf Planet pinag-aaralan ng mga siyentipiko

Sa pagitan ng planetang Mars at Jupiter ay ang dwarf planet na tinawag na Ceres. Nadiskubre ito noon pang 1801.Isa ito sa limang planeta na narecognize ng National Aeronautics and Space Administration o NASA. Ang iba pang dwarf planet ay ang Eris, Pluto, Makemake at Haumea. Ang Ceres pa lamang ang unang dwarf planet na bibisitahin ng Dawn spacecraft. Ayon kay Marc Rayman  ang chief engineer ta mission director ng NASA sa Pasadena, California, ang Ceres ay likha mula sa bato at yelo.  Kakaiba ang Ceres dahil lumalaki ito at mahalaga ang pag-aaral sa kalawakan upang ganap na maintindihan ang planetang kinalalagyan natin. Ayon kay Mike Brown, ang isa sa nakatuklas sa dwarf planet na Eris meron pang tatlong-daan animnapung dwarf planet ang nasa kalawakan.

bottom