logo logo

Tamang pagtulog makakabuti para sa mahilig sa sports

May internal body clock ang tao at ang mga mahihilig sa palakasan ay kailangan ng wastong pahinga. Ayon sa mga mananaliksik ng University of Birmingham ang tamang pahinga ng katawan ay nakadaragdag ng 26% performance sa anumang uri ng palakasan. Ang mga maaagang gumising ay mas malakas at energetic kapag tanghali at ang tanghali na nagigising ay mas maganda ang performance sa sports kung gabi.

Kaya naman ang Spanish team sa football ay may malaking tsansa na manalo. Ang ibang aspeto ng abilidad sa sports ay may kinalaman sa habit ayon sa Journal Current Biology. Ayon naman kay lead researcher Dr. Roland Brandstaetter ang mga atleta at coaches ay mas makakalamang kapag alam nila kung kalian ang kanilang optimal at suboptimal performance kaya mahalaga ang pag-alam sa body clock ng isang tao.

Kaya naman ang mga estudyanteng mahilig magpuyat ay hindi aktibo sa klase tuwing umaga. Sinabi ni Dr. Thomas Kantermann ng University of Groningen na ang pag-aaral tungkol sa circadian biology o body clock ay mahalaga sa pagtukoy sa  physical performance ng isang tao.

bottom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom