logo logo

Vitamin C, pumupuksa ng cancer cells

Kinumpira ng Dr. Rath Research Institute na ang kombinasyon ng ascorbic acid at lysine ay pumupuksa ng cancer cells lalo na sa breast, colon at skin. Kapag ang cancer cells ay nag-metastasise na, hindi na ito kayang pigilan pa ng radiation at chemotherapy dahil ang target lamang ng radiation ay ang puksain ang cancer cells at hindi ang pagsugpo sa pagdami nito. Ang chemo ay sumisira rin sa mga nakakonektang tissues sa katawan, toxic o nakakalason rin ang pamamaraang ito. Samantala, dahil tag-ulan na naman, marami na ang nababahala sa mga sakit na maaaring makuha lalo na kapag kulang sa ascorbic acid ang katawan. Inilathala sa American Journal of Clinical Nutrition na ang mga adult na may sapat na ascorbic acid ay mas nakakaiwas sa common cold. Sa paglipas ng mga taon, wala ng vitamins at minerals ang mga kinakain ng mga tao, sabayan pa ng polusyon na sanhi rin ng maraming sakit. Kaya naman ayon sa British Medical Journal ang vitamin c kung saan makukuha rin ang ascorbic acid, inerekomenda na kailangan ng 70-90 milligrams ng Vitamin c ang katawan bawat araw. Ayon naman sa research ng University of Maryland, ang Vitamin C ay water-soluble o hindi naiimbak sa katawan kaya kailangan itong punan araw-araw sa pamamagitan ng tamang pagkain kagaya ng citrus fruits. Napakahalaga ng Vitamin C upang marepair ang tissues sa katawan at maprotektahan ang arteries ng puso. Ayon pa sa librong A Coaching on Holistic Healing ni Health and Success Coach Dok Edgar Delibo, ang Vitamin C ay hindi lang pang-common cold dahil ito’y napatunayang anti-high blood pressure, anti-cancer at anti-asthma. Ang paninigarilyo ay nakakabawas ng Vitamin C sa katawan.

sn-vitaminC

bottom

No Responses to “Vitamin C, pumupuksa ng cancer cells”

Trackbacks/Pingbacks

  1. Vitamin C, pumupuksa ng cancer cells | News Aggregator - […] post Vitamin C, pumupuksa ng cancer cells appeared first on Prime Broadcasting […]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

bottom